Nakakasawa. Minsan iniisip ko, “Wala ng kwenta tong ginagawa
ko araw araw. Wala ng kwenta tong buhay ko. Wala, wala na akong kwenta at
pakinabang.” Nagsasawa na ako sa routine ko araw araw. Matutulog ng alas kwatro
ng umaga. Gigising ng alas kwatro ng hapon. Uupo. Magiisip ng magandang gawin
sa araw na yun pero wala din akong maiisip na magandang gawin. Tatayo, pupunta
sa baba para maghanap ng pagkain. Kakain. Manunuod ng telebisyon. Magbubukas ng
laptop, magi internet. Gagawin ang lahat ng pwedeng gawin sa facebook, youtube,
twitter. Minsan, aalis. Iinom, uuwi ng medaling araw ng lasing, sumusuka.
Nakakasuka na. Minsan, iniisip ko, sumuko na kaya ‘ko? Ayoko na. Wala na akong
inaabangan na kasabik-sabik sa buhay ko. Wala akong trabaho, ubos na ang laman
ng bulsa, wala ng pera sa banko. Gutom. Malungkot. Gutom ulit.
Nakakatawa pa nga, noong bago ako makatapos ng kolehiyo,
sabi ko sa sarili ko “Nako, magsisimula na ang totoong pagsubok sa buhay.
Magtra-trabaho na ako. Mag-iipon para sa kinabukasan ko. Nakakatakot,
nakaka-kaba at nakaka-excite.” Isang taon na rin ang nakalipas. Pero parang
walang nangyaring maganda sa loob ng isang taon na yun. Bigo ako sa lahat.
Trabaho, pinansyal, lalo na sa pag-ibig. Lintik na pag-ibig na yan. Ang dami
kong sinugal. Minsan sa buhay ko, nakapag sugal na ako ng malaking halaga. Sa
pag-sugal ko na yon, hindi ko alam ang kahihinatnan. Sige lang, taya ka lang.
Panalangin mo lang na tama ang ginagawa mo at sana maganda ang kalabasan. Kaso,
wala e. Umuwi ako ng talunan. Hindi lang talunan, umuwi pa ako ng walang natira
sa akin. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi dapat ako mag-sisi
dahil minsan sa buhay ko, ginusto ko ang pagtaya na yun. Putangina. Sawi. Hapdi
sa puso chong. Kasi naman, tatanga tanga din ako e. Milyones na hawak ko, hindi
pa ako nakuntento.
Nakakatawa pa, dahil kapag may magandang kanta akong
napakinggan, paulit ulit ko itong papakinggan. Sunod-sunod, walang kasawaan.
Lalo na yung mga kantang nagpapa-alala sayo. Ang sarap paring isipin na minsan,
naging tayo. Ang saya saya natin nun. Planado na nga yung kinabukasan natin e.
Ultimo kulay ng bahay napagka-sunduan na natin. Kaso, wala e. Sinangla ko yung
pangarap na yun. Ang dami ko na ngang utang e. Hindi ko alam kung paano ko yun
babayaran. Minsan, bigla bigla ko nalang maiisip yun, sabay ayun mag e-emote ng
parang tanga.
Nakaka-miss ka naman. Minsan nga eh, binabasa ko ng paulit
ulit yung mga sulat mo sa’akin dati. Lalo na kapag talagang malungkot ako.
Kapag binabasa ko yung mga sulat mo sakin, gumagaan pakiramdam ko. Parang
nakikipag usap ulit ako sayo. Parang ang lapit lapit natin sa isa’t-isa.
Nakakatuwa. Ang sarap sa pakiramdam. Parang ang gaan gaan ng lahat.
Hinihintay kita. Siguro, umaasa padin ako. Ay, oo. Talagang
umaasa pa ako. Pasensya ka na ah. Iniwanan kita dati eh. Hindi ko naman
sinasadyang saktan ka. Ang gusto ko lang naman, patunayan sa sarili kong iba ka
sa kanilang lahat. Gusto kong patunayan sa sarili kong, ikaw na talaga. Pero
pasensya ka na kung ganun ang paraan ko para patunayan yung mga tanong ko sa
sarili ko.
Naging Masaya din ako sa kanya, pero mas naging masaya ako
sayo. Ibang-iba ka sa kanila. Napatunayan ko na yan lahat. Pero, malas ko e.
Huli na lahat.
Mukha naming Masaya ka na. Kaya hindi na kita ginugulo.
Nire-respeto ko kung ayaw mo ako kausapin. Alam ko naman kung bakit, at
naiintindihan ko yun. Siguro nga, game over na. Hindi, talagang game over na
nga. Bawal ang touch move. Wala ng balikan pa. Pasensya ka na ha. Minsan
tinotopak lang talaga ako. Minsan, hindi ko alam yung mga ginagawa ko. Mali
ako.
Matagal tagal din ang 5 taon na binigay mo sa akin. Ang saya
saya ko nun. Kung hinintay lang kita, malamang, magkasama na tayo ngayon.
Pasensya na.
Miss na pala kita. Nabanggit ko na ba yun? Araw-araw kitang
naiisip, walang mintis, peksman! Posible kayang mahal pa kita? Pwede. Kung taga
cubao ka lang, araw araw kitang pupuntahan. Padeliver tayo ng pizza araw araw.
Nood tayo ng DVD, laro tayo playstation. O kaya, mag usap lang tayo. Katulad
lang ng dati. Kung taga cubao ka lang, ngayon mismo, alas kwatro ng madaling araw,
pupuntahan kita para humingi ng tawad. Para tanungin kung gusto mo ba ulit
magsimula? Kaso, malayo ka. Hindi ganun kadali humingi ng tawad at magtanong
sayo. Madaming kailangan. Kailangan ko ng pamasahe, at ng papeles na
nagsasabing pwede akong magpunta dyaan sa lugar ninyo. Ang daming arte.
Hindi ko alam kung hanggang kalian kita mahihintay. Hindi ko
alam kung kalian ako mapapagod. Pero sa ngayon, ang alam ko, kaya ko pa.
Malamang, hindi mo alam na naghihintay ako. Ayus lang yun. Kasalanan ko e.
Parang bata na pinagalitan ng titser nya dahil maingay sya sa klase. Ayun, huli
syang pinauwi. Haha, nakakainis yun. Pero may kasalanan sya. At kailangan nyang
pagbayaran yun. Hindi ko alam kung kalian ako pwede makauwi sayo. Alam kong
matagal pa. Pwede ding hindi na.
Hindi ko alam kung kailangan ko na bang sunugin yung mga
sulat mo sakin. Gusto ko kasing pabasa ang mga yun sa mga magiging anak ko. O magiging
anak natin… Pero, nalulungkot lang ako tuwing nakikita ko yung mga binigay mo
sa akin e. Nahihirapan ako. Kailangan ko ng go signal sayo.
Haaaay. Leche. Nakakaiyak…… Ang tanga ko talaga.
Usap naman tayo minsan. Wag mong bigyan ng malisya, ako ng
bahala dun. Hehe, biro lang. Usap lang. Kamustahan ba. Wala na akong balita
sayo e. Ang dami kong gustong sabihin sayo. Kaso, kulang sa oras. Gusto ko ulit
makipag kulitan sayo, kaso di naman yata pwede.
Ayun… Sige, hanggang dito na lang. Mag mumuni-muni lang ako.
Ingat ka.
kish :*
TumugonBurahinhug
TumugonBurahinAwww. Tae, naiyak ako sa post mo. :(
TumugonBurahin