Kani-kanina lang, tinuturuan ko ang aking pamangkin magbasa. "YE-SO, KAL-YE, YE-RO, LU-YA, YA-PAK". Paulit-ulit namin binabasa ang mga salita na iyan.Paulit-ulit kong itinuturo. Paulit-ulit din siyang nagkakamali. Dumating sa punto na nainis ako. Ang totoo niyan, eh, maikli ang pasensya ko sa mga bata. Mabilis ako mainis, mairita, at magalit. Ngunit, pinag-tuunan ko ng pansin ang aking pamangkin. Sa kabila ng pasensyang pinahaba, eh, nasigawan ko siya. Napaiyak sya at sinabing, "ayoko ng mag-aral.. (hikbi) sinisigawan mo kasi ako eh... (hikbi, nagpunas ng sipon)." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang na-trauma ata ang bata sa'akin. Nakakatakot, baka hindi na siya magkaroon ng interes sa pag-aaral. "Kaya kita pinapagalitan, para matakot ka. Para sa susunod, galingan mo. Para hindi ka na magkamali. Okay?" Pinunasan niya ang luha at kanyang pawis at sinabing, "Opo..." at nagsimula ulit magbasa.
Sa pagkakataon na 'to, hindi na siya nagkamali pa. Mas malakas ang boses at malinaw ang pagkaka-bigkas ng mga salita. Nalilito parin sya ngunit, hindi na siya natakot magtanong sa'akin sa mga pagkakataon na 'yun.
Sa simpleng bagay na 'to, may natutunan ako. Kailangan mo din harapin ang takot mo sa buhay. H'wag kang susuko. Pwede ka umiyak, magwala pero siguraduhin mo lang na babangon ka. Harapin mo ang takot mo ng buong tapang. Bangon lang. Hindi masamang magkamali. At lalong hindi masama ang amining mahina ka. Lahat ng tao may kahinaan, lahat ng tao may pinagdadaanan. Kanya-kanyang kwento, kanya-kanya ng bigat. Sa bandang huli, matututunan mo ang number 1 lesson ng buhay: Ang pag tanggap sa sarili at ang pag-amin ng pagkakamali.
CFP naman ang itinuro ko. "Give 4 examples of God's gift".
"Okay, tingin tayo sa labas. Ano makikita mo na binigay sa atin ni God? Ano ba yung may mga leaf? Flowers? Fruits?" Sumagot siya, "TREES!"
"Tama. Trees. O, 3 more. Ano pa?"
"Animals?
"Tama. Animals! 2 more."
"Food?"
"Very good! Food! 1 nalang!"
..... nahihirapang mag-isip.....
"Ano bang tawag sa amin nila mommy? Mama? Ako? Mga ate?"
"Tito, tita, lolo and lola?"
"Yes, ano tawag sa amin?"
"FAMILY!"
Oo nga pala, kasama din sila sa tinatawag na "Family".
At oo nga pala, regalo sa akin 'ito ng Diyos. Pamilya.
Naisip kong, sila ang dapat takbuhan ng taong problemado. Yun nga pala ang papel nila. Madalas, nagkukulong ako sa kwarto. Hindi kuma-kausap ng kahit sino. Tahimik. Umiiyak sa isang sulok. Hindi pwede pahalata. Bawal nga pala ang mahina. Pero sila pala ang dapat kuhanan ko ng lakas.
Ok lang ang maging mahina. Ang cellphone nga kapag na-lowbat, pwedeng i-charge eh. Ang tao pa kaya. Tingin ka lang sa taas. Kausapin mo Siya. Lagi naman Siyang nakikinig. Malakas nga daw ang signaal Doon. Di mo pa kailangan mag-load! Okay, eh, ano? Hindi mo man sabihin, nararamdaman Niya. Hindi mo man Siya naririnig, nararamdaman mong gumagaan ang pakiramdam mo tuwing nasasabi mo sa Kanya ang gusto mong sabihin.
"Lord, nanghihina na naman ako. Bigyan Niyo po ako ng lakas para malampasan lahat ng pag-subok sa buhay ko. Maraming salamat po sa lahat ng mga biyaya na ibinigay Ninyo sa'akin. Pasensya na, bro, minsan nakakalimutan ko tumawag sa'yo. Alam ko, malakas ang signal diyaan. May sasabihin ako sa 'yo (bulong). Yan bro. Kahit isang beses lang, oh.. Kahit "Hi" lang. Hehehe. Tenkyu ha. Paki-sabi narin sa erpats ko, miss ko siya. Yun lang muna! Usap uli tayo mamaya. I labyu!"