Simula pa noong bata ako, napapanood ko na sa Dolphy sa TV. Paborito ko yung Home Along Da Riles. Kasama ko pa ang nanay ko at ang kapatid kong magpuyat. Ang saya saya ng palabas na yun, kung kaya't nakakatulog ako ng masaya.
Naaalala ko ang tatay ko kay Dolphy. Parehas kasi silang mahilig magpatawa, maaliwalas ang mukha, mabait, at malimit lang magalit. Kaya siguro, masyado akong nalulungkot noong nalaman kong wala na si Kevin Cosme.
Sabi nga nila, masaya na ang kalangitan dahil nandoon na ang Comedy King. Papatawanin niya ang mga anghel at si Papa God. Excited na tuloy ako mamatay, joke lang.
Ang tatay ko, kinuha nadin ng langit 3 taon na ang nakakalipas. Malungkot, mabigat sa puso pero kailangang tanggapin. Nandun na ang paborito nyang artista, si Dolphy. Tiyak tuwang tuwa yun ngayon.
Lahat naman tayo dadating diyan eh. Ang tanong, kailan at sa anong paraan?
He lived a full life. He's at rest. He's at peace. He knew as he was going how much the country loved him. He knew how everyone was praying for him. And if he could, he would have stayed just so he could thank you personally.
But where his spirit was strong, his body had so weakened. He had to go.
On behalf of my brothers and sisters, on behalf of everyone who loved him, on behalf of Zsa Zsa, my brother, Ronnie, my sister Dona, my sister Kit, we all thank you from the bottom of our hearts.
Pray for his eternal repose and in his honor, please smile at the person standing next to you.
Heaven is a happier place with him there. And for us whom he's left behind, comedy is dead, but long live comedy."
-Eric Quizon
Ako'y lubos na nakikiramay sa pamilya Quizon.
Nakikiramay din ako sa pamilya Navalta.
Isasama ko kayo sa dasal ko ngayong gabi bago ako matulog.
Good night

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento