Lunes, Setyembre 17, 2012

Better days are here

I had an awesome weekend with my family.

I am healed.

I got a job offer.

I am loved.

I am happy.

I got a tan!

I laugh more than I cry.

I am motivated.

I have my priorities straight.

I am hyped reaching my goals.

Looking forward for a bright future.

I have stronger Faith in Him.

God works in mysterious ways!

Lunes, Setyembre 10, 2012

Ano kamo?

Minsan, dumarating ang pagkakataong.....gusto mo ng sumuko. Mabigat at masikip sa dibdib. Minsan, eh, akala mo, kahit anong oras sasabog ang puso mo. Ang mahirap pa nga, eh, yung wala ka mapagsabihan ng nararamdaman mo. Gustong gusto mo itong ilabas, ngunit, natatakot kang mahusgahan. Takot kang hindi mapakinggan. Takot kang talikuran. Pero, gusto mo lang naman ng taong makikinig sa'yo. Mahirap bang intindihin yun?

Lahat ng tao, may kanya-kanyang pinagdaraanan. Hindi mo alam, baka yung gusgusin na lalaking katabi mo sa jeep, may asawang nag-aagaw buhay sa hospital, dahil sa pesteng breast cancer . Hindi mo alam, yung taong nakabangga mo habang tumatawid ka ng kalsada, eh, may LBM. Hindi mo alam na yung taong inagawan ka ng puwesto sa FX, eh, tuliro dahil hindi nya alam kung paano aaminin sa kanyang mga magulang na naka-buntis siya ng aso. At hindi mo alam na yung katabi mo sa MRT na halos masandal sa balikat mo, eh, halos 2 araw sa opisina. Walang uwian, overtime --  kung kaya't huwag kang manghusga. H'wag mong angkinin ang mundo. Hindi lang ito sa'yo.

Lahat tayo, may pinagdaraanan. Hindi lang ikaw. Lahat tayo, gusto ng kausap, ng matatakbuhan. Hindi lang ikaw. May mga pagkakataong hindi natin inaasahan na mangyayari. Magugulat ka nalang, matutulala at mapapaisip: Bakit sa'kin pa nangyari 'to?

Marahil, sawang sawa ka na sa kasabihang "It happens for a reason" o di kaya'y "God has plans for you". Pero, ano nga ba ang plano sa'kin ng Diyos? Sa totoo lang, hindi ko alam. Ikaw, alam mo ba? Walang makakapag-sabi. Pero, ang alam mo lang, kailangan mong maghintay. Maghintay saan? 

Hindi mo din alam.

Wala kang clue.

Wala kang ideya.

Pero matanong ko lang, sa tingin mo, bakit nangyayari sa'yo 'to ngayon?

Ako, sa tingin ko, dahil sa katangahan.

--------- END ---------
























Miyerkules, Setyembre 5, 2012

How far can I go?

Finally, i get to go on a vacay. :) Went to boracay then went straight to our province, Maayon. Bitin lang talaga! Funny cuz I thought i'll be reminiscing, but maaaan Boracay's different now. The big waves, tiny branches going on and off shore, the fences that block the view from restaurants and hotels. Sucks but I still had fun We spent our night in Sand Castles hotel. Love the bathroom haha :) I get to know someone from there too! She can give me big discounts next time i go there. Isnt it cool? :)

Province. Well, my aunt's house been renovated so it's bigger and nicer. I wish i can stay longer. Seriously, I wanted to spend days in province than in Manila. I am so tired of MLA life. Traffic, pollution, jam packed transportation, heat waves, etc. If given the chance, i'd spend days and work near the beach. Watch the sun rise and set - not a large number of people trying to get in and off the train during rush hour, breath in fresh air in the morning and not smoke from cars, hear birds and not car horns.

I wanted to have a simple life.

When my plane I'm in took off, I saw the crowded land of Manila. I can't even see a single space nor a group of trees in it. It is polluted, crowded. When I finally reached my destination, I saw the island of Boracay. It is beautiful. Not as crowded as my hometown.

There are alot of stunning places in our country, not just Boracay. If only I have the means, I'd travel (even by myself) and see myself our own paradise.

Manila is tiring. I'd love to go places.

Miyerkules, Agosto 22, 2012

Thursday sentiment

".. all she wants is just that something to hold onto, that's all she needs. And all she wants is just a little piece of this dream, is that too much to ask?" 


- Be like that by 3 doors down

Martes, Agosto 14, 2012

Haaaay buhay

Kani-kanina lang, tinuturuan ko ang aking pamangkin magbasa. "YE-SO, KAL-YE, YE-RO, LU-YA, YA-PAK". Paulit-ulit namin binabasa ang mga salita na iyan.Paulit-ulit kong itinuturo. Paulit-ulit din siyang nagkakamali. Dumating sa punto na nainis ako. Ang totoo niyan, eh, maikli ang pasensya ko sa mga bata. Mabilis ako mainis, mairita, at magalit. Ngunit, pinag-tuunan ko ng pansin ang aking pamangkin. Sa kabila ng pasensyang pinahaba, eh, nasigawan ko siya. Napaiyak sya at sinabing, "ayoko ng mag-aral.. (hikbi) sinisigawan mo kasi ako eh... (hikbi, nagpunas ng sipon)." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang na-trauma ata ang bata sa'akin. Nakakatakot, baka hindi na siya magkaroon ng interes sa pag-aaral. "Kaya kita pinapagalitan, para matakot ka. Para sa susunod, galingan mo. Para hindi ka na magkamali. Okay?" Pinunasan niya ang luha at kanyang pawis at sinabing, "Opo..." at nagsimula ulit magbasa.

Sa pagkakataon na 'to, hindi na siya nagkamali pa. Mas malakas ang boses at malinaw ang pagkaka-bigkas ng mga salita. Nalilito parin sya ngunit, hindi na siya natakot magtanong sa'akin sa mga pagkakataon na 'yun.

Sa simpleng bagay na 'to, may natutunan ako. Kailangan mo din harapin ang takot mo sa buhay. H'wag kang susuko. Pwede ka umiyak, magwala pero siguraduhin mo lang na babangon ka. Harapin mo ang takot mo ng buong tapang. Bangon lang. Hindi masamang magkamali. At lalong hindi masama ang amining mahina ka. Lahat ng tao may kahinaan, lahat ng tao may pinagdadaanan. Kanya-kanyang kwento, kanya-kanya ng bigat. Sa bandang huli, matututunan mo ang number 1 lesson ng buhay: Ang pag tanggap sa sarili at ang pag-amin ng pagkakamali.

CFP naman ang itinuro ko. "Give 4 examples of God's gift".

"Okay, tingin tayo sa labas. Ano makikita mo na binigay sa atin ni God? Ano ba yung may mga leaf? Flowers? Fruits?" Sumagot siya, "TREES!"

"Tama. Trees. O, 3 more. Ano pa?"

"Animals?

"Tama. Animals! 2 more."

"Food?"

"Very good! Food! 1 nalang!"

..... nahihirapang mag-isip.....

"Ano bang tawag sa amin nila mommy? Mama? Ako? Mga ate?"

"Tito, tita, lolo and lola?"

"Yes, ano tawag sa amin?"

"FAMILY!"

Oo nga pala, kasama din sila sa tinatawag na "Family".

At oo nga pala, regalo sa akin 'ito ng Diyos. Pamilya.

Naisip kong, sila ang dapat takbuhan ng taong problemado. Yun nga pala ang papel nila. Madalas, nagkukulong ako sa kwarto. Hindi kuma-kausap ng kahit sino. Tahimik. Umiiyak sa isang sulok. Hindi pwede pahalata. Bawal nga pala ang mahina. Pero sila pala ang dapat kuhanan ko ng lakas.

Ok lang ang maging mahina. Ang cellphone nga kapag na-lowbat, pwedeng i-charge eh. Ang tao pa kaya. Tingin ka lang sa taas. Kausapin mo Siya. Lagi naman Siyang nakikinig. Malakas nga daw ang signaal Doon. Di mo pa kailangan mag-load! Okay, eh, ano? Hindi mo man sabihin, nararamdaman Niya. Hindi mo man Siya naririnig, nararamdaman mong gumagaan ang pakiramdam mo tuwing nasasabi mo sa Kanya ang gusto mong sabihin.

"Lord, nanghihina na naman ako. Bigyan Niyo po ako ng lakas para malampasan lahat ng pag-subok sa buhay ko. Maraming salamat po sa lahat ng mga biyaya na ibinigay Ninyo sa'akin. Pasensya na, bro, minsan nakakalimutan ko tumawag sa'yo. Alam ko, malakas ang signal diyaan. May sasabihin ako sa 'yo (bulong). Yan bro. Kahit isang beses lang, oh.. Kahit "Hi" lang. Hehehe. Tenkyu ha. Paki-sabi narin sa erpats ko, miss ko siya. Yun lang muna! Usap uli tayo mamaya. I labyu!"












Linggo, Agosto 12, 2012

wanderlust

if ever i push you away, i dont really mean to. when i tell you i dont want to talk about it, i do, im jus looking for the right words. give me a minute, and if i can tell you; i will. I try to be a struggling mix of real and perfect at the same time, at the moment, i am working on the ratio. when i get really quiet sometimes, it is because i have too much to say. i have thought of too many things to tell you all at once and i dont know what to say first. i get immaturely jealous of anyone who gets to see you on a daily basis. i miss you really easily, but i also like that we can be        a      p        a        r        t       and we are both okay.  space is good, too. i love the way we love some of the same things. and i love how we love entirely different things. my head is a complicated pile of thoughts, and fears, and cravings, and dreams, and this tangled up nostalgia for the past and somehow, the future. i am flawed, and i am human, and i am broken, and i love you.


it is what it is.

im all mixed up inside. it's like -- i dont know... like an ignition of some kind. one minute im fine, and the next, im losing..

blah.



I will never tell you how inlove with you i am.

it's not fair to either of us..

Linggo, Hulyo 29, 2012

After talking to the present ......

UGHHHH re my previous entry....... I am sooooo irritated. That BITCH. But hey, i didnt spill any secret NOR CURSE. Maybe cuz I am not guilty of any of her accusations. I JUST CANT WAIT TO SLAP HER UNTIL SHE BLEEDS. I dont want Gerald back goodness..... In all honesty, I was just bothered!!!! But anyway..... i kinda expect it to happen though. I just didnt expect that bitch to bitch me. I kinda expected her to act maturely. BUT I WAS WRONGGGGGGGG. Oh well..... Fuck em both.

I am happy with my life right now. :)

Conversation with the present. LOL Whos pathetic now huh


Me: yo been dreaming of you for the past 3 weeks? I swear idk why.. but u were sad. U okay? Hmmmm
Akiko: Just want you to know that he doesn’t give a fuck about what you say and what’s happening to your life. Maybe the reason why you’ve been dreaming about him is because you think of him too much and you still care for him, but hey, HE DOESN’T feel the same thing about you! And so what if he gets sad? Its not ur problem anymore! It’s OUR problem! So don’t be so PATHETIC! Mind your own business and move on! He doesn’t care for you and most especially,  he DOESN’T love you anymore! I dunno why I still have to remind you bout this but please! Just stop it! Quit bothering not only him but OUR RELATIONSHIP! Don’t make me do something else. And to answer your question? Yeah! He’s okay! He’s BETTER WITH ME NOW and we’re SO INLOVE WITH EACH OTHER!:D
Me: Whaaaat? The fuck? Haha aight whatever you say Lol don’t be so paranoid I don’t want him back Jeez
Me: and akiko…. I think you should tell your bf not to bother me cuz last time I checked, he called me when hes drunk.  K? U guys should talk. Yun lang. I don’t have any intentions.
Me: And girl, don’t judge me. U don’t know anything about me J
Akiko:  Me? Paranoid? Hahahaha! I never get paranoid about himJ Just so you know its always the other way aroundJ I think that was herb who called you and not really him cuz herb told him that you fucked justin antes just to make Gerald jealous or bad about it! Haha! So PATHETIC yeah im not judging you, just reminding you to stop bothering GeraldJ I don’t know you “well”, same with me, YOU DON’T KNOW MEJ But I know a lot of things about you!:)
Me: Ummmm U know what? Im not really sure if youre stalking me. But I don’t care. To tell you the truth, I don’t know anything about you cuz Im not that interestedJ So… Yeah goodluck with you and Gerald Lol
Akiko: Yeah, Gerald just told a lot of annoying things that you used to do beforeJ And NO, I don’t stalk you hahahahahaha! U DON’T MATTERJ Just so you know, the only reason why I am talking to you right now is because I know that you still texts him sometimes even before the justin antes thingyJ and now you’re still texting him hahahaha! Which is so PATHETIC!:)
Me: Whaat? LMAO! Please do your research right . Lol! I aint texting him hahaha im tryin to be nice here you see. But whatever I don’t care
Akiko: Oh, okay J I ready every messages you send himJ we just delete it! Ang lakas ng loob to react that when ur the one who sent him a message him first.:) he’s right about you being crazy!:) hahahahahahaha!
Me: if youre tryn to annoy me, sorry but its not working. Lol I did that before so I know every sarcasm you do. This conversation is so funny and pointless. I don’t wna waste my time soooo ima bounce! Lol gnighty guysJ
Akiko: Likewise!:D Just try not to think about him again so you wond dream about him againJ Just sayin’!:) lmao!
Me: Umm well I think you should study psychology. And focus on dreams. I don’t know if geralds dying of cancer or if he met an accident or sumn. That’s why I checked on him. Jeez. Kitid ng utak mo. At ang dumi. I pity you.
Akiko: Wow!:) Thank you for the reminder MOM!:) kaya pala iniwan ka nya?! Hahahahahahahahahahahaha! :D pinapasaya mo ko sa mga sinasabe mo!XD
Me: Woooooo sarcasm. Lol but it’s okay. I understand you J
Akiko: okayJ If you don’t have anything to say about that you could say its okayJ I understand you moreJ
Me: Nooo… I have a lot to say. But… I realize this is not worth it. Cuz I pick fights wisely. Im not sarcastic to this whole conversation. Though I know you were. Typical GF.. Sigh. Just KO, aight? NightJ lol
Akiko: Ok?? If that’s what you want to sayJ typical gf, meaning YOU? J lmao! So you do fight? Just so you know, I don’t fight people, I face them and talk to them, especially when I know Im rightJ
Me: Okayyyyy….. If that makes you happy. Lol I understand your defense mechanism. I really do. Just shut up lol sorry haha stfu. And do your homework. You have a lot of errors you know. Text me next time if you get the correct information. And please support em with evidenceJ
Akiko: Oh? OkayJ Coming from someone who has dumped a million times by My BF because of the thing she does.:) okay?:) and at the end of the conversation, from trying to be the goody-goody one, you just wanna end this conversation by saying “shut the fuck up!” Good job! Ms Ex.:) Nice try! Practice some more! Hahaha!
Me: Ummmm….. Dump….. Okay cuz it doesn’t matter anymore. Youre tryna hurt me? YOU PRACTICE SOME MORE. Cuz its not working. And yeah, We broke up and that’s the greatest thin happened to me. U know what im talkin about. Life w him is hell. Cmon. I know youd agree. Hahaha
Akiko: Lmao! No! Im not tryn to hurt you! Just sayin the truth, why? Are you getting hurt? J AwwwJ that’s okayJ youre gonna get over him in timeJ lmao you’ve been saying goodnight, how come ur still up? Whats the matter? Having a hard time facing the truth?:) Just mind ur own business and youll get over him!:D
Me: Hahahahahaha dafuq im busy typing our conversation. Lol! I got over him 2 weeks after we broke up. I know I know… Im a record breaker hahahahha
Akiko: Oh? Getting over for you means still thinking of him, bothering him by texting and fucking his enemy to make him jealous?:) Nice definition of urs!:D
Me: Ummmmmmummmmummmm hmmmm…. No. My definition of moved on is: Staying classu and unaffected even his present gf is sayin a lot of shit about you. Lol J Talk about bitterness.
Akiko: Oh? “classy and unaffected” which means – you, still texting back to me and talking back to  me??:D and “saying a lot” which means – you texting all these shitty stuff too? Nice definitions!:D
Me: And you texting back too? 2-3 pages of text message LOL wow. And thanks hahaha J)
Akiko: Oh?:) Its cuz im using a blackberry phone and its just so comfortable to text hereJ but I don’t even receive all your messagesJ You might be running out of something to sayJ if you don’t have anything important to say, its okay!:) I could talk to my sources! Or call Gladys:D She might be giving me wrong informationsJ hahahahahaha
Me: hahahahahaha ohhhh yeaaaaaahh sure!! Call herJ hayyy its so damn fun to hear lies when you know the truth. Go ahead. Im not scared.
Akiko: Oh? Okay! :D Im not scaring you! Hahahahahahaha! :D
Me: And im daring you J
Akiko: Okay:D No pressure! No problem!:D
Me: I have all the right to pressure you girl. Lol
Akiko: Ohhh!:D Im scared!:D Hahahahahahahaha
Me: Ummmm youre sucha kid lol grow up

Miyerkules, Hulyo 18, 2012

It's just one of those days

Dear Stranger,

I know this is random but, I can't help it. It's happening again. This sudden loneliness kills.

I miss you.

Don't get me wrong though. I'm over you now. It's just that, sometimes, memories trigger. My mood changes rapidly. I am trying to distract myself everyday. I watch TV, I talk to my friends, I search everything I could online, I eat, and I sometimes go out. The only thing I could successfully do of not missing you is sleeping. Sleep is my best escape. But sometimes, yourself appears. And it's painful because you look happy. We look happy. That happiness as if we're still together. I sometimes wish not to wake up. I didn't want it to end.

You were once my bestfriend. And to tell you the truth, no one, NO ONE can still replace you. I miss those random moments when we just watch DVD in your place but ended up cuddling and talking about random things. I didn't care about how I look or what I was wearing. We were so happy. And then we got bored, we ended up walking along the streets because we were fiending for some chicken-intestines-on-a-stick. I miss those times.

I can't tell you right now all moments I do miss. I might take a week of writing because it's a long list. It's so depressing because I have no one to tell my lame jokes anymore. I have no one to tell how was my day or how bad the traffic was. I have no one to tell how guys wanted to have one night stand with me and how much of a dick they were. I have no one to tell random stories, stories that are nonsense but you won't mind me to rant anyway. You just listen, you never judge. I have no one to tell how I survived a week without internet and how I survived in a bad fever. I have no one to tell how I ripped my floor because I was hella mad and how much I regretted it because my room looks ugly now. I have no one to tell the sincerest words in the world, I love you.

I moved on. I just miss a very special friend.

I don't know how will I approach you in the future (just in case we accidentally meet).

I'm sure that'll be so awkward.

Love always,

C







Miyerkules, Hulyo 11, 2012

Like bestfriends.

I think we are all just looking for that one person that we can be ourselves around, that one person who will love you and accept who you are, your silly awkward side and your serious side too. We are all just looking for that “Comfortable Relationship”, you know? You don’t care what you are do because as long as that one special person is  next to you then you are happy, whether it’s going out or just having a lazy day at home watching movies and eating food, you cherish all these moments with them because that special person is the one you enjoy seeing and being around everyday, that person is someone you can turn to with all your problems and they will be there for you though it all. Every conversation, hug, kiss, or whatever you always look forward to because in your heart you truly love them and you wouldn’t have it any other way, you know? It’s that relationship that through whatever happens you are going to stick by there side and support them. It’s simply that “Comfortable relationship”where you can be yourself and not be afraid of them judging you, after all “Love” is “Acceptance” of one another regardless of “Flaws”or anything else.


Just sayin'

Condolence, Quizon family

Patay na daw si Dolphy. Masyado akong affected. Hindi ko sya kamag-anak, ni hindi ko pa sya nakikita sa personal. Pero malungkot ako.

Simula pa noong bata ako, napapanood ko na sa Dolphy sa TV. Paborito ko yung Home Along Da Riles. Kasama ko pa ang nanay ko at ang kapatid kong magpuyat. Ang saya saya ng palabas na yun, kung kaya't nakakatulog ako ng masaya.

Naaalala ko ang tatay ko kay Dolphy. Parehas kasi silang mahilig magpatawa, maaliwalas ang mukha, mabait, at malimit lang magalit. Kaya siguro, masyado akong nalulungkot noong nalaman kong wala na si Kevin Cosme.

Sabi nga nila, masaya na ang kalangitan dahil nandoon na ang Comedy King. Papatawanin niya ang mga anghel at si Papa God. Excited na tuloy ako mamatay, joke lang.

Ang tatay ko, kinuha nadin ng langit 3 taon na ang nakakalipas. Malungkot, mabigat sa puso pero kailangang tanggapin. Nandun na ang paborito nyang artista, si Dolphy. Tiyak tuwang tuwa yun ngayon.

Lahat naman tayo dadating diyan eh. Ang tanong, kailan at sa anong paraan?



"My father Dolphy left at 8:34pm (following) a cardiac arrest.


He lived a full life. He's at rest. He's at peace. He knew as he was going how much the country loved him. He knew how everyone was praying for him. And if he could, he would have stayed just so he could thank you personally.


But where his spirit was strong, his body had so weakened. He had to go.


On behalf of my brothers and sisters, on behalf of everyone who loved him, on behalf of Zsa Zsa, my brother, Ronnie, my sister Dona, my sister Kit, we all thank you from the bottom of our hearts.


Pray for his eternal repose and in his honor, please smile at the person standing next to you.


Heaven is a happier place with him there. And for us whom he's left behind, comedy is dead, but long live comedy."


-Eric Quizon



Ako'y lubos na nakikiramay sa pamilya Quizon.

Nakikiramay din ako sa pamilya Navalta.

Isasama ko kayo sa dasal ko ngayong gabi bago ako matulog.

Good night

Lunes, Hulyo 9, 2012

People are people.

Funny how people throw away everything nice and replace them with not-so-good things. And then you'll realize it's too late to take it back.. No, it's okay. It happens. I mean, we're just humans right? We make mistakes... We just feel shitty sometimes.. Yeah. We also feel stupid...  And weak. And helpless... 

Huwebes, Hulyo 5, 2012

Kaibigan, usap tayo.


Kani-kanina lang, tinitignan ko ang mga litrato namin ng mga kaibigan ko. Pati narin yung mga nakakatawang video. Bigla ko silang na-miss.

Marami akong kaibigan. Halos araw-araw, may nakikilala akong bagong tao. Yung iba, hindi ko na maalala yung pangalan nila. Marami. Hindi ko mabilang.

Ang mga kaibigan ko ang pangalawa kong pamilya. Alam nila yun. Sa tuwing nag-aaway kami ng mga kapatid ko, sila ang tinatakbuhan ko. Sa tuwing wala ako makausap sa bahay, sila ang kinakausap ko. At sa tuwing problemado ako sa buhay na parang pasan ko ang buong mundo, nandiyan sila. Malaki ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko. Kung wala sila, malamang matagal na akong sumuko. Pare-parehas lang kami ng problema kung kaya’t kami-kami narin ang nagdadamayan.

Minsan nga e, hindi ko na kailangan magsalita, hindi ko na kailangan ilabas o sabihin ang nararamdaman ko. Alam na nila kung ano at pano ako pasisiyahin. Inaamin kong, hindi sila magaling pag dating sa pagbibigay ng payo. Pili lang sa kanila ang ganun. Gago lang talaga ang mga yun kaya madali ko nakakalimutan ang mga problema ko. “Tara gago shot nalang!”. Haha, gusto ko sanang umiyak eh. Kaso nagyaya ng inuman, nawala moment ko. Mga hayup yun. Pero hindi ako nakatanggi. Hehehe

Iba-iba ang ugali ng mga kaibigan ko. May suicidal, emo, malibog, laging gutom, makulit, tahimik, maingay,  korni, virgin, at pavirgin. Meron din akong kaibigan na mahilig mamburaot ng pagkain, madali malasing, hindi nalalasing, nagiging pokpok pag lasing, laging tulog, slow sa mga jokes, maganda, hindi pinagpala, magaling kumanta, magaling sumayaw, walang talent, at magaling tumakas sa mga bayaran kapag nag bill out na. Wala akong kaibigan na perpekto. Lahat may sablay, haha.

Kung ako mamamatay, babahain ang lamay ko ng mga tao. Gusto ko nandun silang lahat. Gusto ko, lahat sisilip sa ataul ko. Tapos sasabihin kong, “pakyu, you’re next”. Hahahahaha. Biro lang. Pero ang gusto ko, nandun sila. Walang malayo malayo. Kung hindi sila dumalaw, ako ang dadalaw.

Mahal ko mga kaibigan ko kahit na minsan, nakakairita na ang mga banat nila. Mahal ko kaibigan ko kahit na minsan, nakakalimutan na nila ako dahil busy sila sa trabaho nila. Mahal ko mga kaibigan ko, period.

Lumilipas ang panahon, tumatanda na tayo. Nakikilala natin kung sino ba talaga ang nandiyan para damayan ka. Nakikilala natin ang handang sumugal para lang mapasaya ka. Nakikilala natin kung sino ang totoo nating kaibigan.

Gusto ko lang magpasalamat sa mga kaibigan kong nandiyan palagi sa tabi ko. Yung mga taong hindi humihingi ng kapalit. Kilala ko na kung sino ang mga taong nandiyan lang kapag may kailangan sila. Kilala ko na rin ang mga kaibigan kong pwede kong lapitan kahit anong oras.

Maraming maraming salamat sa inyo.

Para sa mga kaibigan kong walang sex life, CHEERS!

I want to be a vegan.


Gusto kong matutong kumain ng gulay. Pero hindi ko alam kung saan at paano magsisimula. Sinubukan kong kumain ng kalabasa, patatas, sitaw, at cabbage. Ano nga ba tagalong ng cabbage? Pero, ayun nga,  di nag tagal, nasuka ako. Mahirap talaga kapag pinipilit mo ang sarili mong gawin ang mga bagay na ayaw mo.
Sabi nga pala kaibigan ko, repolyo daw ang tagalog ng cabbage.

Ano nga ba ang gusto kong gawin sa buhay ko? Noong bata pa ako, gustong gusto ko ang maging astronaut. Gusto ko makapunta sa moon tulad nina, Neil Armstrong, Roger B. Chaffee, Jim Lovell at iba pa. Isa lang ang mission ko kung bakit gusto ko makapunta sa moon. Ito ay ang makita ang great wall of China. Sabi dun sa librong nabasa ko, kitang kita daw ang mga haligi ng Great wall of China kapag nasa moon ka. Amazing.

Gusto ko din pala maging titser noon. Pangarap ko ang humawak ng chalk at magsulat sa pisara. Ang sarap sa pakiramdam na may nakikinig at may sumusunod sa mga utos mo. Minsan nga eh, nag feeling akong guro sa bahay. Nangupit ako ng chalk sa eskwelahan at inuwi ko ito. Nagsimula akong magsulat sa kahoy na aparador ng nanay ko. Sinulat ko ang mga lectures at notes na nakopya ko sa eskwelahan. Yung mga manika kong naka upo sa kama ang mga estudyante ko. May hawak pa nga akong ruler na pampalo ko sa mga makukulit na bata. Nakakatuwa.

Habang tumatagal, nag iiba ang aking pag iisip at pananaw sa buhay. Habang tumatagal, nagiging Malabo sa akin kung ano talaga ang gusto ko maging sa aking pag tanda. Hindi ko na alam.

Highschool. Hindi ko na iniisip yan. Ang iniisip ko lang, ang makaraos at makatapos ng highschool. Aral, kopyahan, daldalan, lovelife. Maganda ang image ko sa paaralan namin. Syempre, co-ed. Ang mga babae ang matitino at ang mga lalaki ang mga magugulo. Haha, ayos.

Nahuli ako ng ilang mga guro ko na nangongopya noong final exam namin. Pero syempre, dahil maganda nga ang image ko, hindi naniwala yung iba. Beeehlaaat. Kala nyo ha. Pero muntik na ako ma-suspend noon. Talaga namang nangongopya ako e. Mabilis lang talaga ako makaisip ng dahilan para makalusot sa sitwasyon na yun. Kung naniwala sila, tiyak na kick-out ako. Saklap.

Malapit na ako makatapos sa highschool. Kailangan ko na mag-isip ng magandang kurso. Wala, wala ko maisip. Bahala na!

Psychology. Yan ang pinili ko. Di ko alam kung bakit. Gusto ko lang kakaiba. Ayoko ng nursing. Masyadong common. 

Nag-enjoy naman ako sa pinili kong kurso. May kaunting pag aalinlangan lang ako. Gusto ko sana mag masscom, advertising o marketing. Sabi nga nila, mas bagay ako doon. Pero oks nadin psychology. Angas din. Madalas, pag nalalaman ng mga tao na psychology ang kinuha ko, ang unang reaksyon nila “WOOOOOW, i-psycho mo nga ako” o di kaya’y “Anong nababasa mo sa akin?” o kaya “Hulaan mo nga ako”. Mga timang. Di kami manghuhula. Punta kayo sa Quiapo baka dun makahanap pa kayo ng makakaloko sa inyo. Nakakatawa nalang e.

Pero ang pinaka ayokong marinig sa mga tao lalo na sa mga kamag anak ko eh yung “Dapat nag nursing ka nalang”. E kayo nalang kaya mag nursing? Wag ako.
Takot ako sa dugo. Kahit sarili kong dugo, hindi ko kayang tignan.

Minsan nga, nanuod ako ng pelikulang SAW. Paborito ko yun. Pero nandidiri ako sa mga nakikita ko. Mga katawan na iniipit ng dalawang pader, o kaya mga kamay na pinuputol. Sisirit ang dugo, madudurog ang utak, manghihina ang tuhod ko, pipikit, sisigaw ng “tangina kadiri!!!!”

Takot din pala ako sa mga matataas na lugar. Iniisip ko palang, namamawis na ang mga kamay at paa ko. Hinding hindi mo ako mapapasakay sa mga rides ng amusement park. Ikamamatay ko. Kaya, kayo nalang.

Hinding hindi mo ako mapipilit sa bagay na ayaw kong gawin. Ayoko. Isusuka ko. Matanda na ako. Siguro naman naisip mo na, alam ko na ang tama at mali. Alam ko na rin ang pwede at bawal. 22 na pala ako, no? Tanda ko na nga. Pero di ko parin alam ang gusto ko sa buhay.

Gusto kong kumain ng gulay. Saan ako mag sisimula? Nakakasuka kasi yung lasa. Iba iba hindi ko maintindihan. Alam kong masustansya siya. Pero nasanay kaming hindi kumakain ng gulay simula pa noong bata pa kami. Gusto ko yung gerber. Kaso pambata yun e.



Teka, masarap kaya ang kalabasa kapag ginawang shake?

Miyerkules, Hulyo 4, 2012

Tagay pa!


Nakakasawa. Minsan iniisip ko, “Wala ng kwenta tong ginagawa ko araw araw. Wala ng kwenta tong buhay ko. Wala, wala na akong kwenta at pakinabang.” Nagsasawa na ako sa routine ko araw araw. Matutulog ng alas kwatro ng umaga. Gigising ng alas kwatro ng hapon. Uupo. Magiisip ng magandang gawin sa araw na yun pero wala din akong maiisip na magandang gawin. Tatayo, pupunta sa baba para maghanap ng pagkain. Kakain. Manunuod ng telebisyon. Magbubukas ng laptop, magi internet. Gagawin ang lahat ng pwedeng gawin sa facebook, youtube, twitter. Minsan, aalis. Iinom, uuwi ng medaling araw ng lasing, sumusuka. Nakakasuka na. Minsan, iniisip ko, sumuko na kaya ‘ko? Ayoko na. Wala na akong inaabangan na kasabik-sabik sa buhay ko. Wala akong trabaho, ubos na ang laman ng bulsa, wala ng pera sa banko. Gutom. Malungkot. Gutom ulit.

Nakakatawa pa nga, noong bago ako makatapos ng kolehiyo, sabi ko sa sarili ko “Nako, magsisimula na ang totoong pagsubok sa buhay. Magtra-trabaho na ako. Mag-iipon para sa kinabukasan ko. Nakakatakot, nakaka-kaba at nakaka-excite.” Isang taon na rin ang nakalipas. Pero parang walang nangyaring maganda sa loob ng isang taon na yun. Bigo ako sa lahat. Trabaho, pinansyal, lalo na sa pag-ibig. Lintik na pag-ibig na yan. Ang dami kong sinugal. Minsan sa buhay ko, nakapag sugal na ako ng malaking halaga. Sa pag-sugal ko na yon, hindi ko alam ang kahihinatnan. Sige lang, taya ka lang. Panalangin mo lang na tama ang ginagawa mo at sana maganda ang kalabasan. Kaso, wala e. Umuwi ako ng talunan. Hindi lang talunan, umuwi pa ako ng walang natira sa akin. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi dapat ako mag-sisi dahil minsan sa buhay ko, ginusto ko ang pagtaya na yun. Putangina. Sawi. Hapdi sa puso chong. Kasi naman, tatanga tanga din ako e. Milyones na hawak ko, hindi pa ako nakuntento.

Nakakatawa pa, dahil kapag may magandang kanta akong napakinggan, paulit ulit ko itong papakinggan. Sunod-sunod, walang kasawaan. Lalo na yung mga kantang nagpapa-alala sayo. Ang sarap paring isipin na minsan, naging tayo. Ang saya saya natin nun. Planado na nga yung kinabukasan natin e. Ultimo kulay ng bahay napagka-sunduan na natin. Kaso, wala e. Sinangla ko yung pangarap na yun. Ang dami ko na ngang utang e. Hindi ko alam kung paano ko yun babayaran. Minsan, bigla bigla ko nalang maiisip yun, sabay ayun mag e-emote ng parang tanga.

Nakaka-miss ka naman. Minsan nga eh, binabasa ko ng paulit ulit yung mga sulat mo sa’akin dati. Lalo na kapag talagang malungkot ako. Kapag binabasa ko yung mga sulat mo sakin, gumagaan pakiramdam ko. Parang nakikipag usap ulit ako sayo. Parang ang lapit lapit natin sa isa’t-isa. Nakakatuwa. Ang sarap sa pakiramdam. Parang ang gaan gaan ng lahat.

Hinihintay kita. Siguro, umaasa padin ako. Ay, oo. Talagang umaasa pa ako. Pasensya ka na ah. Iniwanan kita dati eh. Hindi ko naman sinasadyang saktan ka. Ang gusto ko lang naman, patunayan sa sarili kong iba ka sa kanilang lahat. Gusto kong patunayan sa sarili kong, ikaw na talaga. Pero pasensya ka na kung ganun ang paraan ko para patunayan yung mga tanong ko sa sarili ko.

Naging Masaya din ako sa kanya, pero mas naging masaya ako sayo. Ibang-iba ka sa kanila. Napatunayan ko na yan lahat. Pero, malas ko e. Huli na lahat.

Mukha naming Masaya ka na. Kaya hindi na kita ginugulo. Nire-respeto ko kung ayaw mo ako kausapin. Alam ko naman kung bakit, at naiintindihan ko yun. Siguro nga, game over na. Hindi, talagang game over na nga. Bawal ang touch move. Wala ng balikan pa. Pasensya ka na ha. Minsan tinotopak lang talaga ako. Minsan, hindi ko alam yung mga ginagawa ko. Mali ako.

Matagal tagal din ang 5 taon na binigay mo sa akin. Ang saya saya ko nun. Kung hinintay lang kita, malamang, magkasama na tayo ngayon. Pasensya na.

Miss na pala kita. Nabanggit ko na ba yun? Araw-araw kitang naiisip, walang mintis, peksman! Posible kayang mahal pa kita? Pwede. Kung taga cubao ka lang, araw araw kitang pupuntahan. Padeliver tayo ng pizza araw araw. Nood tayo ng DVD, laro tayo playstation. O kaya, mag usap lang tayo. Katulad lang ng dati. Kung taga cubao ka lang, ngayon mismo, alas kwatro ng madaling araw, pupuntahan kita para humingi ng tawad. Para tanungin kung gusto mo ba ulit magsimula? Kaso, malayo ka. Hindi ganun kadali humingi ng tawad at magtanong sayo. Madaming kailangan. Kailangan ko ng pamasahe, at ng papeles na nagsasabing pwede akong magpunta dyaan sa lugar ninyo. Ang daming arte.

Hindi ko alam kung hanggang kalian kita mahihintay. Hindi ko alam kung kalian ako mapapagod. Pero sa ngayon, ang alam ko, kaya ko pa. Malamang, hindi mo alam na naghihintay ako. Ayus lang yun. Kasalanan ko e. Parang bata na pinagalitan ng titser nya dahil maingay sya sa klase. Ayun, huli syang pinauwi. Haha, nakakainis yun. Pero may kasalanan sya. At kailangan nyang pagbayaran yun. Hindi ko alam kung kalian ako pwede makauwi sayo. Alam kong matagal pa. Pwede ding hindi na.

Hindi ko alam kung kailangan ko na bang sunugin yung mga sulat mo sakin. Gusto ko kasing pabasa ang mga yun sa mga magiging anak ko. O magiging anak natin… Pero, nalulungkot lang ako tuwing nakikita ko yung mga binigay mo sa akin e. Nahihirapan ako. Kailangan ko ng go signal sayo.

Haaaay. Leche. Nakakaiyak…… Ang tanga ko talaga.

Usap naman tayo minsan. Wag mong bigyan ng malisya, ako ng bahala dun. Hehe, biro lang. Usap lang. Kamustahan ba. Wala na akong balita sayo e. Ang dami kong gustong sabihin sayo. Kaso, kulang sa oras. Gusto ko ulit makipag kulitan sayo, kaso di naman yata pwede.

Ayun… Sige, hanggang dito na lang. Mag mumuni-muni lang ako.

Ingat ka.