Minsan, dumarating ang pagkakataong.....gusto mo ng sumuko. Mabigat at masikip sa dibdib. Minsan, eh, akala mo, kahit anong oras sasabog ang puso mo. Ang mahirap pa nga, eh, yung wala ka mapagsabihan ng nararamdaman mo. Gustong gusto mo itong ilabas, ngunit, natatakot kang mahusgahan. Takot kang hindi mapakinggan. Takot kang talikuran. Pero, gusto mo lang naman ng taong makikinig sa'yo. Mahirap bang intindihin yun?
Lahat ng tao, may kanya-kanyang pinagdaraanan. Hindi mo alam, baka yung gusgusin na lalaking katabi mo sa jeep, may asawang nag-aagaw buhay sa hospital, dahil sa pesteng breast cancer . Hindi mo alam, yung taong nakabangga mo habang tumatawid ka ng kalsada, eh, may LBM. Hindi mo alam na yung taong inagawan ka ng puwesto sa FX, eh, tuliro dahil hindi nya alam kung paano aaminin sa kanyang mga magulang na naka-buntis siya ng aso. At hindi mo alam na yung katabi mo sa MRT na halos masandal sa balikat mo, eh, halos 2 araw sa opisina. Walang uwian, overtime -- kung kaya't huwag kang manghusga. H'wag mong angkinin ang mundo. Hindi lang ito sa'yo.
Lahat tayo, may pinagdaraanan. Hindi lang ikaw. Lahat tayo, gusto ng kausap, ng matatakbuhan. Hindi lang ikaw. May mga pagkakataong hindi natin inaasahan na mangyayari. Magugulat ka nalang, matutulala at mapapaisip: Bakit sa'kin pa nangyari 'to?
Marahil, sawang sawa ka na sa kasabihang "It happens for a reason" o di kaya'y "God has plans for you". Pero, ano nga ba ang plano sa'kin ng Diyos? Sa totoo lang, hindi ko alam. Ikaw, alam mo ba? Walang makakapag-sabi. Pero, ang alam mo lang, kailangan mong maghintay. Maghintay saan?
Hindi mo din alam.
Wala kang clue.
Wala kang ideya.
Pero matanong ko lang, sa tingin mo, bakit nangyayari sa'yo 'to ngayon?
Ako, sa tingin ko, dahil sa katangahan.
--------- END ---------