Huwebes, Hulyo 5, 2012

Kaibigan, usap tayo.


Kani-kanina lang, tinitignan ko ang mga litrato namin ng mga kaibigan ko. Pati narin yung mga nakakatawang video. Bigla ko silang na-miss.

Marami akong kaibigan. Halos araw-araw, may nakikilala akong bagong tao. Yung iba, hindi ko na maalala yung pangalan nila. Marami. Hindi ko mabilang.

Ang mga kaibigan ko ang pangalawa kong pamilya. Alam nila yun. Sa tuwing nag-aaway kami ng mga kapatid ko, sila ang tinatakbuhan ko. Sa tuwing wala ako makausap sa bahay, sila ang kinakausap ko. At sa tuwing problemado ako sa buhay na parang pasan ko ang buong mundo, nandiyan sila. Malaki ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko. Kung wala sila, malamang matagal na akong sumuko. Pare-parehas lang kami ng problema kung kaya’t kami-kami narin ang nagdadamayan.

Minsan nga e, hindi ko na kailangan magsalita, hindi ko na kailangan ilabas o sabihin ang nararamdaman ko. Alam na nila kung ano at pano ako pasisiyahin. Inaamin kong, hindi sila magaling pag dating sa pagbibigay ng payo. Pili lang sa kanila ang ganun. Gago lang talaga ang mga yun kaya madali ko nakakalimutan ang mga problema ko. “Tara gago shot nalang!”. Haha, gusto ko sanang umiyak eh. Kaso nagyaya ng inuman, nawala moment ko. Mga hayup yun. Pero hindi ako nakatanggi. Hehehe

Iba-iba ang ugali ng mga kaibigan ko. May suicidal, emo, malibog, laging gutom, makulit, tahimik, maingay,  korni, virgin, at pavirgin. Meron din akong kaibigan na mahilig mamburaot ng pagkain, madali malasing, hindi nalalasing, nagiging pokpok pag lasing, laging tulog, slow sa mga jokes, maganda, hindi pinagpala, magaling kumanta, magaling sumayaw, walang talent, at magaling tumakas sa mga bayaran kapag nag bill out na. Wala akong kaibigan na perpekto. Lahat may sablay, haha.

Kung ako mamamatay, babahain ang lamay ko ng mga tao. Gusto ko nandun silang lahat. Gusto ko, lahat sisilip sa ataul ko. Tapos sasabihin kong, “pakyu, you’re next”. Hahahahaha. Biro lang. Pero ang gusto ko, nandun sila. Walang malayo malayo. Kung hindi sila dumalaw, ako ang dadalaw.

Mahal ko mga kaibigan ko kahit na minsan, nakakairita na ang mga banat nila. Mahal ko kaibigan ko kahit na minsan, nakakalimutan na nila ako dahil busy sila sa trabaho nila. Mahal ko mga kaibigan ko, period.

Lumilipas ang panahon, tumatanda na tayo. Nakikilala natin kung sino ba talaga ang nandiyan para damayan ka. Nakikilala natin ang handang sumugal para lang mapasaya ka. Nakikilala natin kung sino ang totoo nating kaibigan.

Gusto ko lang magpasalamat sa mga kaibigan kong nandiyan palagi sa tabi ko. Yung mga taong hindi humihingi ng kapalit. Kilala ko na kung sino ang mga taong nandiyan lang kapag may kailangan sila. Kilala ko na rin ang mga kaibigan kong pwede kong lapitan kahit anong oras.

Maraming maraming salamat sa inyo.

Para sa mga kaibigan kong walang sex life, CHEERS!

2 komento: